Bininyagan akong katoliko na wala akong kamalay-malay dahil ako'y sanggol pa laang at yun ang gusto ng aking magulang.
Lumaki akong nakinig sa mga salita MO galing sa mga pare, ministro at ibat-iba pang katesismo. Nagdaan ang mga taon.
Naniwala ako. Nadismaya.
At nawalan ng paniniwala.
Lumaki akong nakinig sa mga salita MO galing sa mga pare, ministro at ibat-iba pang katesismo. Nagdaan ang mga taon.
Naniwala ako. Nadismaya.
At nawalan ng paniniwala.
Alam kong naging mahina ako, lumuwag ang pananampalataya ko SA'YO yun ay dahil sa mga bagay na pinalangin na hindi natupad. Makasarili ako, uu! dahil hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa mga bagay at pangyayari na dumating sa buhay ko. Naging aetheist ako for d longest tym. Mas ginusto kong paniwalaan nalang ang pilosopiya. Mga radical na paniniwala ng ibang mga skolar na inilathala sa libro. Mga skeptical na idea na galing sa samu't saring kontrobersya at theorya ng sinseya. Pero hanggang ngayon nababalot pa din nang sandamakmak na katanungan ang lahat. Hindi kayang mapatunayan ng tao miski sa panahong ito ang totoo. Mobile age na ang mundo ayun sa mga experto. Kahit walang kwentang "tanong" sa isang pindot lang at segundo mabibigyan ka na nang maraming kasagutan gamit ang INTERNET. Ngunit sa puntong ito parang gusto KITANG kausapin muli. Iisnabin ko ang aking mga pagdududa. Datapwa't alam ko hindi KA makakareply agad dahil wala KA namang Email. Hindi KA kasing bilis ng GOOGLE maghanap dahil hindi KA rin naman nagpapakita . Wala KANG channel sa YOUTUBE dahil sa simbahan lang tagapanuod MO. Mas lalong hindi MO alam ang FACEBOOK dahil wala KA namang mukha. Pati TWITTER sure ako wala Ka rin dahil ang mga sinabi MO ay nakaukit na sa bibliya.
Kaya lang gusto KITANG hanapin.
Makausap.
Makatagay.
Makajam.
Makahanap ng kasagutan tungkol sa buhay. Ayawko nang humingi pa para sa sarili ko (kapal ko naman kung hihirit pa). Ang sa akin lang sana, kung totoo KA man makinig KA. Malakas sana ang WIFI MO. Sana ma UPLOAD ang pakiwari ko at i-SAVE agad dyan sa SERVER MO. Iligtas MO ang mga taong mahal ko. Mga kaibigan at kakilala, isabit nyo na pati mga kaaway ko :-P.Dinggin MO ang paghihirap ng mga tao sa buong mundo. Bigyan MO sana ng BREAK o TIMEOUT ang mga aksidente at kalamidad. Kung pwede i-POKE MO ang mga tao na nagdudulot ng kasamaan para makunsenya at matauhan. Bigyan MO ng kapanatagan nang loob ang mga tao ngayong pasko. Magkaroon ng ngiti sa mga labi at sumaya pagkatapos ng unos na nagdaan. Makabangon at magpatuloy sa buhay. Sana makinig Ka!
Kung SINO ka man!