Tuesday, 12 November 2013 10:52
LEGAZPI CITY - Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang hot pursuit operation ng militar kaugnay sa nangyaring magkasunod na engkwentro sa lalawigan ng Sorsogon laban sa mga rebeldeng New People's Army (NPA).
Kasunod ito ng impormasyon mula sa ilang mga residente sa lalawigan na magsasagawa umano ng pananabotahe ang mga rebeldeng NPA sa humanitarian mission na patungong Tacloban City.
Ang nasabing grupo ay may bitbit na sako-sakong relief goods na dadalhin ng mga personahe mula sa Red Cross at mga sundalo mula sa 9th Infantry Division, Philippine Army.
Subalit bago pa man makarating sa Matnog Port, nagsagawa na muna ng clearing operation ang tropa ng 31st Infantry Batallion para masiguro na magiging ligtas ang humanitarian team na tutungo sa lugar.
Subalit bago pa makaalis, bandang alas-5:15 kaninang madaling araw, sinalubong na nang mahigit kumulang sa 15 mga rebelde ang grupo sa bahagi ng Barangay Balocawe, Matnog, Sorsogon.
Nagtuloy-tuloy ang putukan hanggang panibagong pang-aatake ang naitala sa katabing barangay na tumagal nang hanggang alas-8:30 ng umaga kanina lamang.
Wala naman na napaulat na nasugatan o napatay sa panig ng militar subalit dalawa ang sinasabing binawian ng buhay sa panig ng mga rebelde.
Nakuha rin sa encounter site ang limang short firearms at mga pampasabog.

By: Elmar Acol